Credits

Friday, August 12, 2011

Anibersaryo

Para sa aking kabiyak, kaibigan, kaasaran,  at kung anu-ano pa,

Aba at tayo pala ay naka-abot na ng kinse.
Labinlimang taon ng pagmamahalan at pagka
minsan ay tampuhan. Hindi naman mawawala
'yon sa kahit ano pa mang samahan.

Matagal na panahon na pala ang lumipas,
tanda ko pa ang mga araw na ako ay mistulang
"cry baby" sa mga problemang akala ko ay
walang katapusan. Andun ka sa tabi ko upang
ako ay patawanin. Minsan nakauwi na ako sa
amin, pero ang ngiti sa labi ay namumutawi
pa rin.

Ah, ikaw ang nagturo sa akin para maging
matatag, taga-alo, taga-gabay, inspirasyon
ko sa buhay, maski na sa pagsusulat pagka
minsan ay editor ka rin.

Ikaw na, ikaw na nga, sino pa ba ang gusto
kong makasama hanggang sa pagtanda. Sana
manatili tayong ganito, simpleng
mag-kaagapay sa lahat ng dumating sa ating
buhay.

Korni? Sabi mo lang 'yon. Mahirap atang
humabi ng mga salita sa Tagalog tapos may
'rhyming' pa. Tingnan mo nga at matatapos ka
na sa pagbasa.

Paano ko ba tatapusin sobra na 'tong mushy.
Sige na, ending nito sasabihin ko lang na salamat sa lahat,
labs kita at sana'y mag-kasama tayo sa mga
susunod pang anibersaryo...

yami081211

4 friendly remarks:

OSeƱorita said...

So sweet! Happy Anniversary to both of you!!! May you have many more to come.

www.orangesenorita.com

Yami said...

Thanks! :)

Beth said...

Ang galing, Yam!!! Di kaya ng powers ko magcompose ng poem sa Filipino! Bravo! But my louder Bravo goes to the 15 years of continuous love between you and your hubby! Congratulations ha? More years of blessed union! :)

Yami said...

Salamat, Beth! :)

Looking forward to another 15 years. :) Sana lang mapag-tiisan nya pa ako ng ganung katagal. ahahaha

Salamat sa pagbati sis. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...